Photo courtesy of rappler.com |
Goodbye na sa 2013 at hello 2014 na! May kasiyahan sa mga magkabi-kabilang New Year’s party, kainan, at, siyempre, hindi mawawala jan ang pagpapaputok. Kasi nga sabi nila, “Start the year with a bang!”
Matagal nang tradisyon nating mga Pilipino ang pagsalubong sa
bagong taon na may putukan gamit ang iba’t-ibang paputok, pailaw, at fireworks
tulad ng kwitis, sinturon ni Judas, lusis, fountain, at iba pa. Ayon sa
history, namana ng mga Pilipino ang tradisyong ito sa mga Intsik sa
paniniwalang kinakailangang mag-ingay upang mapalayas ang mga masasamang
espiritu na nagdudulot daw ng kamalasan para suwertihin ang pagpasok ng bagong
taon.
Pero, bakit ganun, sa tinagal-tagal nang panahon na ginagawa ng mga Pilipino ang paniniwalang ito tuwing Bagong Taon, tila marami pa ring kamalasan ang nangyayari sa bansa? Noong 12 midnight ng January 1, 2013, nagpaputok ang mga tao pero nangyari pa rin ang Zamboanga Siege, Bohol Earthquake, Supertyphoon Yolanda, ang PDAF/Pork Barrel Scandal at ang pag-twerk ni Miley Cyrus sa MTV Video Music Awards. Nagpaputok ang mga tao ng libu-libong halaga ng paputok (kasama na ang mga illegal firecrackers gaya ng Piccolo, Watusi, Pla-pla, at ang mala-bombang Goodbye Philippines) pero nandito pa rin ang mga alagad ng kasamaan tulad ng mga mga corrupt na government officials na di na talaga naming di tinatablan ng kahihiyan ang kapal ng balat nila sa kanilang pagmumukha (PWE!) at kapit-tuko pa rin sa kani-kaniyang mga pwesto sa kabila ng mga kontrobersyang kinasangkutan nila.
Kung titignan natin, madaming perwisyong naidudulot ang pagpapaputok kaysa swerte sa maraming tao batay sa mga mga post-New Year celebration news
reports taon-taon. Ayon sa Department of Health, nasa 804 na ang biktima ng
pagpapaputok nitong New Year—793 sa mga ito ang mga naputukan ng labintador,
siyam ang nasapul ng ligaw na bala, at
dalawa ang nakalulon ng firecracker. At magkahalong lungkot at asar ang naramdaman ko nang marinig ko spollution na dulot ng mga firecrackers at fireworks.
a
balita na mayroong isang sanggol ang tinamaan ng ligaw na bala sa ulo habang natutulog
ito sa bahay. Ang masaklap pa dun, malabong mahuli ang may kagagawan ng
kagaguhan na iyon dahil wala naman may alam kung kaninong baril nga nanggaling
ang baling iyon. At taon-taon, di nawawala ang ganitong eksena kung saan
daan-daan ang napeperwisyong mga tao (mga napuputulan ng daliri, kamay, braso,
nabubulag,) at ari-arian dahil sa pagpapaputok. Dagdag pa jan ang pollution
na dulot ng mga firecrackers at fireworks.Batang naputukan (courtesy of dailytelegraph.com) |
Marahil sasabihin ng iba, “Nasa paggamit lang yan”. Sa isang
banda, tama din. Noong bata ako, ang tatay ko nagpapaputok ng labintador tuwing
New Year pero din naman sya naputukan. Ngunit hindi naman masama na pag-isipan
natin kung ang isang bagay na ginagawa natin ay talaga bang may kwenta ba o
wala. After all, kahit paputukin mo ang isang kilometrong Situron ni Hudas sa
New Year at magpaka-batugan at magpaka-wasted
ka naman buong taon, hindi ka din
suswertehin.